Monday, May 09, 2005

"E-MAIL VIS-A-VIS LONG DISTANCE RELATIONSHIP"

Sabi nila, love is all about making sacrifices… giving without waiting anything in return… Yeah right! In a utopic world, siguro yun nga yung love… Kaya lang, pano kung at the onset, di na natural yung set-up nyo? Nandito ka sa Pinas, nasa ibang bansa naman sya… You never even had the chance to be with that person ng matagal… Hay, sa tingin mo ba, ok lang sayo na lagi ka na lang maghihintay? Luckily, naimbento yung e-mail noh?! Kung hindi, siguro kasing unstable pa din ng dati yung mga long distance relationship ngayon… Let’s now look at an in depth analysis ng kagandahan ng e-mail sa isang long distance relationship in three planks...

First, meron kayong sense of attachment sa isa’t-isa… Let’s look at the perspective ng nasa isang long distance relationship… Syempre, you can’t expect your partner to call you often kase nga it’s not practical (although merong madalas mag-usap). But nevertheless, pwede kang mag-send ng e-mail every minute na gusto mo… Hay, feeling mo tuloy ang lapit lang nya… Sweet messages na feel mong i-browse araw-araw. At kahit ilang beses mo ng nabasa, di mo pa din binubura… As a matter of fact, meron pa nga syang sariling folder sa e-mail mo e.

Second, pwede mo ding ma-gauge yung trust factor ng bf/gf mo… Syempre, pag magkalayo kayo, lahat na lang dapat isini-share ng partner mo sayo… Being an honest girlfriend/boyfriend, bigay ka naman ng lahat ng facts of your life… Up to the point na pati yung password mo binibigay mo na. Syempre, pag hindi nya binigay yung password nya, meron yung negative implication… Iisipin mo, “What’s with this dimwit at ayaw ibigay yung password nya? He must’ve been hiding something from me…”. Siguro iisipin ng iba, it’s an incursion of privacy… AS IF?!!! Love is all about sharing di ba? (Well, my opinion not yours… he,he).

Lastly, it serves as an online detecting device… Para syang, detector ng mga nangyayari sa kanya sa ibang bansa… Paano?! Ganito lang yun… Kapag meron syang mushy stuff sa e-mail nya, pag alam mo yung password, made-detect mo agad! Actually, inter-connected sya with the second plank… Dito nga lang, it’s assuming na alam mo na yung password nya… In other words, pag me e-mail account sya, especially pag alam mo yung password nya, MAILALAYO KA SA PAGIGING ISANG DAKILANG TANGA!!! Pwede mong malaman yung mga nag e-mail sa ka-on mo na merong kahina-hinalang karakter! Pano mo ba malalaman na kahina-hinala yung karakter na yun? Syempre, pag ang nabasa mong tawagan nila ay honey or baby, gawan mo na ng arbitrary action dahil hindi naman yun yung pangalan ng ka-on mo e! Pag me nakita kang picture ng babae/lalaki na ipinadala sa kanya, at nakita mong reply pala yung… Awayin mo na lalo na kung sayo e hindi man lang sya makapag e-mail… Ikaw naman si bobang submissive, sabihin lang na busy sya ok na sayo… Busy daw tapos me makikita kang ganon?! Buti na lang, hindi ka masyadong magmumukhang tanga… Kase nga, mababasa mo sya, first hand info pa di ba?!

Hay naku… Ang hirap talaga ng ganito noh? You can’t help paranoia to sink in… Buti na lang me e-mail… You don’t have to spend much just to be connected with your special someone… Yun nga lang, minsan via e-mail mo din nalalaman yung kalokohan nya… Kaya bago ka pa ma-inis sa kaiisip doon, let me suggest one thing… MAG-FRIENDSTER KA NA LANG!!!

No comments: