Sa buhay natin, it is seldom na makita natin yung taong talagang makakapagpasaya satin… yung “THE ONE” na hindi magpapa-iyak pero makakapagpadama na para tayong si Princess Sarah!
Pano ba naman, most of the time, akala mo sya na… magpa-promise sya ng lahat ng bagay just to make you happy…ibibigay sayo the best things that money can buy. Ayun, hindi na tuloy natin nahahalata kung gaano nya tayo nasasaktan… kase konteng sorry lang nya ok ka na naman… konteng text lang nya, feeling mo compensated na lahat ng bad things na nagawa nya. Pero kung patuloy na ganito yung mangyayari, we don’t realize na pati tayo unti-unting nababago…But come to think of it… para ba ‘to sa ikabubuti natin o hindi?
If these things will continue to happen, dalawa lang naman yung pwedeng mangyari e…
First, magiging apathetic ka… wala ka na lang paki-alam kung saktan ka man nya or hindi. Kung dati iniiyakan mo yung mga times na nasasaktan ka nya, ngayon ang drama mo tipong “bahala sya sa gusto nyang gawin”… ang iisipin mo, at least kayo pa din kahit na lahat ng friends mo nagsasabing nuknukan ka ng tanga! You are now trapped in a situation na para kang robot na pinapatagal yung relasyon nyo kahit na ang tingin ng mga tao sa paligid mo e isang napakalaking joke ng ginagawa mo.
And second, magiging paranoid ka… yung tipong hindi lang sya makapag-text akala mo me ka-date na sya sa Podium… o ma-late lang sya ng two minutes iisipin mo ng hindi ka na nya mahal kaya binabalewala ka na lang nya. Worst, pag me ginawa sya sa’yong sweet na bagay like pag binigyan ka nya ng flowers itatanong mo agad sa kanya “ Para saan ‘to? Me kasalanan ka no?!”… O, di ba ang pathetic?! Ang masama pa don, lagi kang nasa defensive side… kase ayaw mo ng mag-self pity kaya inuunahan mo na. Ayun, ang labas, mas lalo kang kawawa kase you tend to worry too much.
Sa parehas na sitwasyon, it will always boil down to one thing… hindi ka magiging masaya… It will only become a vicious cycle until umabot sa puntong hindi mo na alam kung anong gagawin mo… Dahil sa dami ng diversions, hindi mo na din alam kung pano ba talaga magmahal.
Sabi nga nila, lahat ng sobra e hindi na nakakabuti… If you think that sticking in your so-called “relationship” will lead you to the realm of apathy, why continue?… If you think too much worry will lead you to paranoia, why prolong your agony? Kahit na sabihin pa nila that worry is like a rocking chair that gives you something to do but gets you nowhere. Still, the fact remains that you are not happy with the way things are going and staying with that person will only push you in the quandary of loneliness. Sometimes, we have to make decisions no matter how drastic it may seem… For once, matuto tayong maging matapang… Let us take the risk of losing that person to preserve our individuality… Let us be brave… as the old adage goes…” Brave man may not live long, but the cautious man may not live at all”.
No comments:
Post a Comment